Mali ang intindi ng aktor na si Luis Manzano sa naging pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque hinggil sa pagtaya ng UP experts na paglobo ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa nuong nakalipas na buwan.
Ayon kay Roque kaunting pang unawa lamang ang kailangan para maintindihan ni Manzano na ang totoong kalaban ay COVID-19 habang ang UP ay tila ringside commentator na nagsasabing ang magiging score ay 40,000.
Una nang umani ng batikos si Roque nang i-congratulate ang Pilipinas dahil pumalo lamang sa halos 38,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng hunyo taliwas sa pagtaya ng up na 40,000.