Mas gugustuhin umano ni Luis Manzano na makikilala siya bilang isang magaling na TV host kaysa ang tilian at ituring na heartthrob.
Paliwanag ni Luis, marami ng gwapo sa showbiz industry at aminado, aniya, siya na hindi ito ang tipo na kapag nag-mall show ay kikiligin ang mga tao sa kanya.
Ngunit naniniwala siya na mas gugustuhin ng mga tao na makipagkwentuhan at makipagkulitan sa kanya.
Mas pipiliin niya raw ito kaysa kakiligan at magkunwaring feeling pogi.
By Avee Devierte