Nananatiling tikom ang bibig ni Luis Manzano sa dahilan ng break up nila ni Angel Locsin.
Ayon kay Manzano, mananatili siyang tahimik dahil sa ayaw niyang mamis-interpret o mabigyan ng anumang interpretasyon ang kanyang mga magiging komento.
Sinabi ni Luis na ang madali kasing makahanap ng mali sa mga taong naghahanap ng mali.
Matatandaan noong Enero, inamin ni Angel na mayroon silang problema ni Luis hanggang sa tuluyan na ngang naghiwalay ng landas ang dalawa.
By Ralph Obina