Sa ibang bansa planong pakasalan ng TV host na si Luis Manzano ang girlfriend na si Jessy Mendiola.
Sinabi ni Luis na malabo kung sa Pilipinas ganapin ang kanilang kasal.
Aniya mayroon na rin silang pinagpipilian na mga bansa para sa kanilang pag-iisang dibdib pero kailangan pa daw muna nila itong mapuntahan.
Nauna rito, nag comment si Luis ng “soon’ sa Instagram post ni Jessy na naka-bridal gown.
Naging magkasintahan sina Jessy at Luis noong 2016.
—-