Halos 2,000 ang nahuling lumabag sa curfew sa Metro Manila sa gitna nang ipinatutupad na ECQ sa Metro Manila.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar sa 1,848 curfew violators, 605 ang binigyan ng warning, 1, 235 ang pinagmulta at walo pang pinag community service.
Una nang ikinasa ang 8pm-4am curfew hours para na rin sa ipinatutupad na ECQ sa Metro Manila hanggang Agosto 20.