Umabot sa mahigit 200,000 ang naitalang lumabag sa health protocols at curfew mula nang ipatupad ang alert level 4 sa NCR.
Ayon sa PNP, nakabatay ito sa kanilang datos mula Setyembre 16 hanggang Oktubre 11 ng taong kasalukuyan.
Pinakamarami ang lumabag sa hindi tamang pagsusuot ng facemask at faceshield noong panahong required pa ito sa paglabas ng tahanan gayundin ang mass gathering.
Marami rin sa mga lumabag sa curfew ay iyong mga hindi naman Authorized Persons Outside of Residence (APOR).—mula sa ulat ni Jaymark Dagala