Pumapalo na sa 3,631 ang mga naaresto ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa ipinatutupad na gun ban kaugnay sa May 2022 elections.
Ayon sa PNP, sa naturang bilang, nasa 3, 493 ang sibilyan, 61 ang security guards, 28 na miyembro ng PNP, 22 tauhan ng AFP at 287 ang iba pang violators.
Nakuha sa mga ito ang 2,795 na firearms 1,300 na deadly weapons, kabilang ang 140 na pampasabog at mahigit 17, 000 na mga bala.
Samantala, naitala sa Metro Manila ang pinamaraming nahuli na nasa 1,322.