Bahagi lamang ng propaganda ng Maute Group ang lumabas na video ng isang pari na bihag ng teroristang grupo.
Ito ang pahayag ng militar matapos na kumalat ang video ni Father Chito Suganob na nananawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto ang airstrike sa Marawi City.
Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, malinaw na taktika lamang ito ng teroristang grupo para itigil ang military operations sa Marawi.
Una nang sinabi ni Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na kanila pang beniberipika ang naturang video.
By Krista De Dios