Mariing tinutulan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang lumabas sa pag-aaral ng Global Peace Index kung saan pangalawa sa “most least peaceful” ang Pilipinas sa buong Southeast Asia.
Ayon kay Lorenzana, posibleng mali ang parameter na ginamit sa pagsasagwa ng naturang survey.
Giit ng kalihim, payapa ang bansa batay sa pahayag ng napakaraming tao na nakalibot na sa Pilipinas.
Bukod dito, marami rin umano ang nagsasabing mas nararamdaman na nilang ligtas na sila ngayon dahil sa war on drugs ng administrasyon.
Samantala, hinamon naman ng Philippine National Police ang grupong nagsagawa ng naturang pag-aaral na magtungo sa bansa upang mismong maobserbahan ang peace and order dito.
Sinabi ni PNP Chief Dir. Gen, Oscar Albayalde na matatawag na “perception” lang ang resulta ginawang pag aaral ng gpi dahil maaaring ang nababalitaan lamang nila tungkol sa Pilipinas ay puro patayan o nakawan kesa sa umiiral na kaayusan.
Malaki din umanong impluwensiya sa resulta ang umano’y human rights violations sa bansa na siyang ipinupukol ng ibang sektor sa kasalukuyang administrasyon sa Pilipinas.