Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyong Florita ay pinakahuling namataan sa layong 215 kilometers Silangan Ng Casiguran, Aurora at kumikilos pa Kanluran Timog Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyong Florita ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 90 kilometro kada oras.
Ipinabatid ng PAGASA na batay sa direksyon ng bagyong Florita , posibleng mag landfall ito sa vicinity ng east coast ng Cagayan o Northern Isabela bukas ng hapon.
Nasa public storm signal number 2 ang eastern portion ng Cagayan tulad ng Enrile, Tuguegarao City, Peniablanca, Iguig, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Sta Teresita, Buguey at Sta Ana , Eastern portion ng isabela tulad ng cabagan, san pablo, sta maria, maconacon, divilacan, palanan, san Mariano, Ilagan City, Delfin Albano, Tumauini, Sto Tomas, Quezon, Mallig, Roxas, Quirino, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Burgos, Gamu, Reina Merdedes, Cauayan City, Alicia, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, Angadanan, Naguilian, Benito Soliven at Dinapigue, Dulong Hilagang Bahagi Ng Aurora – Dilasag At Casiguran At Northeastern Portion Ng Quirino – Maddela.
Kabilang naman sa mga nasa public storm signal number 1 ang nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela At Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Northern Portion Ng Aurora – Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis at Northern Portion Ng Polillo Island – Panulikan At Burdeos.