Nababahala na ang mga residente ng bayan ng Mabinay sa Negros Oriental kaugnay ng palaki nang palaking sinkholes sa lugar.
Maliban dito, ikinaaalarma pa ng mga otoridad ang paglawak ng mga bitak sa paligid ng mga nakitang sinkholes.
Sa kabila ng inisyung warning ng Mines and Geosciences Bureau kaugnay ng pinsalang posibleng idulot ng mga sinkhole, patuloy pa rin ang pagtanggi ng mga residente doon na lisanin ang lugar.
Gayunman, sinabi ng mga residente sa Mabinay na handa naman silang lumikas kung kinakailangan.
By Ralph Obina