Patuloy umanong lumalala ang haze o usok sa Singapore dahil sa forest fire mula sa kalapit na bansang Indonesia.
Ayon sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Singapore, naitala kagabi ang pinakamalalang haze na umaabot sa 330 ang PSI o Pollutant Standard Index.
Sinasabing simula kahapon ay hindi na bumaba ng 200 ang PSI ng haze na tumatagal umano ng halos isang buwan.
Ang haze ay nagdudulot ng hirap na paghinga, ubon, sipon at mahapding mga mata.
By Judith Larino