Ibinabala ni Chinese Ambassador to the United Nations Liu Jieyi ang mala-delubyong konsekwensya sakaling mabigo ang mga makapangyarihang bansa na makahanap ng solusyon upang mapahupa ang tensyon sa Korean Peninsula.
Ito ang inihayag ni Liu makaraang magkausap sa telepono sina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping hinggil sa bantang pagpapakawala ng mga missile at nuclear test ng North Korea.
Ayon kay Liu, maaaring hindi ma-control ang sitwasyon sa Korean Peninsula kung patuloy ang paglala ng tensyon.
Isinusulong ng Tsina ang negosasyon para sa denuclearization ng NoKor sa kabila ng dalawang nuclear test ng komunistang bansa noong isang taon at serye ng ballistic missile tests.
Gayunman, nanindigan ang Estados Unidos na makikipag-usap lamang sila kung ihihinto ng North Korea ang nuclear activities nito.
By Drew Nacino
Lumalalang tensyon sa Korean Peninsula posibleng maging ‘disastrous’ was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882