Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas laban sa lumitaw Sampung Libong Piso banknotes o pera.
Ayon sa BSP,anim lamang ang denominations sa new generation currency banknote series at ito ay ang Isanlibong Piso, Limandaan, Dalawandaan, Isandaan, Limampu at Dalawampung Piso.
Dahil dito, sinabi ng BSP na peke ang anumang Sampung Libong Piso na lumabas sa social media na may larawan sa harap ni dating Pangulong Ramon Magsaysay habang ang likod nito at larawan naman ng Mount Pinatubo.
Ipinaalala ng BSP na ang forgery ng Philippine banknotes at paggamit ng pekeng pera ay may karampatang parusa sa ilalim ng batas.
Hinimok naman ng Bangko Sentral ang publiko na isumbong agad sa mga kinauukulan ang anumang pamemeke sa pera at paggamit sa mga ito.