Bubusisiin ng Malacañang ang lumobong pondo ng Department of Public Works and Highways na 290 billion pesos budget para sa 2025.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., maraming malalaking proyekto ang nakalinya sa DPWH tulad na lamang ng flood control projects.
Kailangan na aniya talagang magpatayo ang ahensya ng malalaking proyekto para matugunan ang lumalalang epekto ng climate change.
Dagdag pa ng Pangulo na pinaplantsa pa ng pamahalaan ng mabuti ang budget para rito.