Pansamantala lamang ang higit sa P400 billion pesos na lump sum na nakita ni dating Senador Panfilo Lacson sa 2015 budget.
Paliwanag si Senate Committee on Finance Chair Senator Chiz Escudero, may inilagay silang probisyon na nag-aatas sa Department of Buget and Management (DBM) na magsumite ng itemized listing sa kongreso at Commission on Audit (COA) bago gastusin ang naturang pondo.
Pangako naman ni Escudero na masusi nilang titignan at pag-aaralan ang obserbasyon ni Lacson upang makasigurong na ang batas at ang desisyon ng Korte Suprema sa Disbursement Acceleration Program (DAP) at Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay hindi malalabag.
Una nang ibinulgar ni Lacson na may P424 billion pesos lump sum appropriation sa 2015 budget na madaling magagamit sa katiwalian.
By Rianne Briones | Cely Bueno (Patrol 19)