Pinaghahanap na ngayon ng Philippine Coast Guard ang 11 pang katao na sakay ng lumubog na isang Panamanian cargo vessel sa dagat ng Vigan city sa Ilocos Sur.
Ayon sa Coast Guard, 8 crew members na ang kanilang na rescue mula sa MV Fortune Life.
Sakay ng barko ang 19 na crew, kabilang na ang isang Vietnamese at 18 Chinese Nationals.
Mula Taiwan ang nasabing cargo vessel at patungo sana sa Sarawa, Malaysia nang mangyari ang insidente.
Sakay ng lumubog na cargo vessel ang tone-toneladang mineral feldspar.
Ipinadala na ng PCG ang BRP Pampanga para magsagawa ng search and rescue operation sa dagat ng Vigan.
By:Jonathan Andal