Hindi uubra ang lumulutang na tandem nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at Pangulong Noynoy Aquino sa 2016 Presidential elections.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Sen. Sergio Osmeña na bagama’t hindi ipinagbabawal ng batas na tumakbo ang kasalukuyang Pangulo sa pagka-bise Presidente ay mahina umano ito.
Bukod pa rito, mahina rin aniya ang pinalulutang na tambalan nina Vice President Jejomar Binay at Manila Mayor Joseph Estrada.
Ayon kay Osmeña, sa panahon ngayon ay kailangan ng bansa ng mga bagong mukha.
Substitute bill sa BBL
Pabor si Senator Sergio Osmeña sa isinusulong na substitute bill ni Senator Bongbong Marcos sa Bangsamoro Basic Law o BBL.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Osmeña na karapatan ni Marcos na baguhin ang original draft ng BBL dahil ito ang pinuno ng komite na may hawak dito.
Kumpiyansa naman si Osmeña na maipapasa ang BBL sa panibagong deadline na itinakda ni Senate President Franklin Drilon.
By Jelbert Perdez | IZ Balita