Biktima si Senador Bong Bong Marcos nang pag manipula sa resulta ng nakalipas na eleksyon partikular sa lalawigan ng Quezon.
Ayon ito sa Isa sa Tatlong testigo na dinala sa Senado ni Pastor Boy Saycon kaugnay sa lumutang na dayaan sa may 9 elections.
Ipinabatid ng witness na sa lalawigan pa lamang ng Quezon ay mahigit Isang Milyong boto ang nabawas kay Marcos at nadagdagan ng Mahigit Tatlong Daang Libong boto si Incoming Vice President Leni Robredo.
Ibinuyag pa ng testigo na sa Quezon din ay nadagdagan ng 400 thousand votes si dating DILG Secretary Mar Roxas at ito aniya ay kinuha sa ibat ibang kandidato subalit pinakamaraming nahugutan ng boto si Incoming President Rodrigo Duterte
Sinabi ng mga testigo na Labing Apat na araw silang nag training para sa maayos na pag ooperate ng makina subalit inutusan na silang mag manipula sa eleksyon sa mismong araw ng eleksyon
Samantala si Senate President Franklin Drilon di umano ang isa sa mga pangunahing nakinabang sa ginawang pag manipula sa eleksyon.
By: Judith Larino