Paano maiiwasan ang muscle cramps.
Ang cramps ay ang biglaang paninigas ng muscle sa bahagi ng katawan.
Ito ay kadalasang dahil sa pagkapagod ng muscle, dehydration at muscle strain.
Kadalasang nakakaranas ng muscle cramps ang mga may edad na, buntis at diabetic.
Narito ang first aid para sa nakakaranas ng muscle cramps.
1. Dahan-dahang I-stretch at masahihin ang bahagi ng muscle na naninigas.
2. Hilahin ang paa
3. Mag-hot at cold compress para mabawasan ang muscle cramps.
Para naman maiwasan ang muscle cramps
1. Panatilihing hydrated- uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig kada araw at;
2. Magstretching bago matulog, dahil madalas na umaatake ito sa gabi.