Lahat tayo ay nakararamdam ng paghapdi ng sikmura. Ito ay kapag nalilipasan ng pagkain o kaya ay na-stress sa trabaho.
Ang paglalabas ng sobrang acid ang dahilan kaya humahapdi ang sikmura.
Ang tawag dito ay gastritis na kung lumala ay puwedeng maging ulcer.
Para maiwasan ang maghapdi ng sikmura, gawin ang mga sumusunod;
- Kumain sa tamang oras.
- Laging kumain ng saging at tinapay, bukod sa madaling baunin at kainin, ang saging ay gamot na rin dahil natatapalan nito ang ating sikmura habang ang pandesal ay maayos sa sikmura at nakakabusog pa.
- Uminom ng tubig pakonti-konti. Malaki ang naitutulong ng pag-inom ng tubig sa paglinis ng acid sa tiyan. Sa ganitong paraan, mahuhugasan at malilinis ang acid sa tiyan.
- At sa huli umiwas sa pagkaing nakakahapdi ng tiyan. Lalo na ‘yung maasim at maanghang.