Madalas ka bang nakararanas ng paghapdi ng sikmura?
Batay sa mga eksperto, gastritis ang tawag sa paglalabas ng sobrang acid na dahilan kung bakit humahapdi ang sikmura ng isang tao.
Oras na lumala ang gastritis, maaari itong maging ulcer.
At para maiwasan ito, narito ang ilang mga dapat gawin.
Una, kumain sa tamang oras; pangalawa laging kumain ng saging at tinapay, bukod sa madaling baunin at kainin, ang saging ay gamot na rin dahil natatapalan nito ang ating sikmura habang ang pandesal ay maganda sa sikmura at nakakabusog din ito.
Pangatlo uminom ng tubig pakonti-konti upang malinis ang mga acid tyan at panghuli, iwasan ang mga pagkaing mahahapdi si tiyan tulad ng maaasim at maaanghang na pagkain.—sa panulat ni Kat Gonzales