Kailangan munang dumaan sa Food and Drug Administration ang lung cancer vaccine bago ipatupad ng Department of Health.
Ito ang kinumpirma ni Health Spokesman at Assistant Secretary Albert Domingo kasunod ng pagsisimula ng human trials ng nasabing bakuna sa pitong bansa na kinabibilangan ng United Kingdom, United States, Germany, Poland, Hungary at Turkey.
Ayon kay Asec. Domingo, susuriin muna ng FDA kung ligtas o epektibo ang bakuna bago magtungo sa susunod na hakbang, na mula naman sa kagawaran.
Nabatid na isang 67-anyos na pasyente sa University College London Hospital ang kauna-unahang tumanggap ng lung cancer vaccine na sinasabing pupukaw sa immune system ng tao para kumilala at lumaban sa cancer cells.