Nananatiling low risk sa COVID-19 ang lungsod ng Baguio sa kabila ng pag-apekto ng OMICRON Variant sa 65 % ng mga aktibong kaso.
Ayon kay City Health Services Office Chief Dr. Rowena Galpo, 20 % ng mga pasyente ay infected ng DELAT Variant, 20 % naman ay apektado ng alpha variant at 5 % naman sa beta variant.
Dagdag pa niya, bumaba sa 5.19 % ang weekly positivity rate ng lungsod mula sa 6.71 % mula noong September 17.
Sumalpak rin sa 2.6 mula 6.5 ang daily attack rate sa isang daang libo katao.
Ayon pa kay Galpo, sumalpak rin sa 10.55 % mula 11.64 ang utilization rate para sa mga intensive care unit bed.
- sa panunulat ni Hannah Oledan