Kinilala ang lungsod ng Makati bilang “One of the Best Cities” sa bansa dahil sa pagtataguyod ng sustainable tourism sa unang Philippine Tourism Excellence awards ng Asian Institute of Management o AIM at Megaworld Foundation Inc.
Napanalunan ng lungsod ang parangal sa ilalim ng kategoryang “Good Local Governance” para sa mahalagang kontribusyon nito sa sustainable urban tourism development.
Pinuri naman ng Philippine tourism excellence awards ang transformative at exemplary work ng AIM alumni and partners para sa industriya ng turismo sa bansa. —mula sa panulat ni Hannah Oledan