Malapit na umanong maging Drug Free ang lungsod ng Maynila.
Ito nang inihayag ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Kasabay nito, sinabi ni Estrada na malapit nang maibalik ang taguring Manila’s Finest sa Manila Police lalo’t bumaba na ang bilang ng krimen sa kanyang nasasakupan.
Samantala, nakatakdang pangalanan ng alkalde sa susunod na araw ang mga barangay chairman na nagpositibo sa iligal na droga.
By: Meann Tanbio / Aya Yupangco