Mamimigay ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng tulong para sa mga nasunugan sa Arlegui Street sa Quiapo noong Huwebes.
Ayon kay Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan, makatatanggap ng P 10,000 ang bawat apektadong pamilya.
Maliban sa P10, 000 , mabibiyayaan din ng relief packs at mattress ang mga naapektuhan.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection, 6 na ang nasawi kabilang na ang kambal na 12- anyos pati ang kanilang magulang, at isang senior citizen.
Nasa P500 pamilya naman ang nawalan ng bahay.
Samantala, umabot naman sa P 5 – M ang pinsala sa naturang sunog. - sa panunulat ni Hannah Oledan