Ikatlo ang Lungsod ng Maynila sa mga syudad na may mababang kalidad ng buhay ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Deutsche Bank.
Ayon sa pag aaral, nangunguna ang Lagos, Nigeria, 2nd ang Beijing, China at 3rd naman ang Maynila.
Bukod dito, nasa ika 53 ranking ang lungsod pagdating ng purchasing power, ika 46 sa safety index at 51 sa traffic commute time.
Samantala, Zurich, Switzerland naman ang may pinakamagandang kalidad ng buhay ayon sa naturang pag aaral.