Isinailalim na sa State of Calamity ang lungsod ng Tacloban dahil sa hagupit ng bagyong Urduja.
Ipinabatid ito ni Vice Mayor Jerry Sambo Yaokasin na nagsabing may mga insidente ng pagbaha, landslides at kawalan ng supply ng kuryente sa kanilang lugar.
Mahigit 700 aniyang pamilya mula sa 80 barangay ng lungsod ang nakakaranas ng pagbaha at naitala naman ang mga insidente ng landslides sa 8 barangay.
Ayon naman sa Leyte Electric Cooperative ibabalik nila ang supply ng kuryente matapos mag landfall ang bagyong Urduja para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga tauhan