Bumaba sa ika-9 na puwesto ang lungsod ng tokyo sa japan sa listahan ng most expensive city para sa mga taong nagtatrabaho sa abroad.
Bunsod ito ng humihinang palitan ng yen kontra dolyar at iba pang currency ayon sa Mercer’s Cost Of Living Survey.
Epekto rin anila ito ng COVID-19 pandemic , sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine, pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin na naging dahilan para sa pagkagipit sa buong mundo.
Samantala, nakabalik naman sa unang puwesto ng most expensive city ang Hong Kong ngayong taon matapos maungusan ng Ashgabat sa Turkmenistan noong 2021.