Pinuna ng University of the Philippines – School of Statistics ang mga nagkalat na ‘kalye survey’ at online survey sa social media ngayong election season.
Dismayado ang U.P. – School of Statistics sa ilang survey ng mga vlogger at ibang page sa twitter at Facebook dahil sa pagbalewala ng mga hakbang sa data gathering.
Katuwiran ng mga faculty member ng U.P., posibleng “bias” ang ginagamit na methodology ng mga nagsasagawa ng survey kaya magiging “bias” din ang resulta nito.
Nananawagan ang nasabing paaralan sa publiko na huwag basta maniwala sa mga survey na kumakalat sa social media at alamin kung paano ginawa ang mga ito.-sa panulat ni Mara Valle