Pumatok sa Texas, sa Amerika ang itinayong karinderya ng isang Pinay tampok ang lutuing Pinoy.
Ayon sa ulat, hindi lang sa mga kababayan natin sa lugar patok ang luto ng ating kapwa Pinoy na si Josephine Cook, pati sa ibang lahi ay swak ito.
Galing sa kanyang hardin sa paligid ng kainan ang mga sangkap na kanyang ginagamit sa pagluluto.
Ayon kay Josephine, sa litsunan lang nagsimula ang kanilang negosyo na kalaunan ay pagdami ng padami ang inihahain nilang putaheng pinoy.
Aabot naman sa $2,000 o katumbas ng P100,000 ang kanilang kinikita kada weekends.