Nagpatupad ng lockdown ang Bellagio Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada sa Amerika
Ito’y matapos ang ginawang pamamaril ng ilang armadong lalaki sa nasabing hotel na ini-uugnay naman sa pagnanakaw.
Agad pinalikas ng pamunuan ng hotel ang mga panauhin ngunit nauwi iyon sa stampede dahil sa pag-uunahan ng mga ito na makalabas sa gusali.
Bagama’t bantay sarado ang paligid ng naturang hotel, hindi pa mabatid sa ngayon kung mayruong mga nasawi o sugatan sa loob ng hotel nang magsagawa ng pamamaril ang mga suspek.
By Jaymark Dagala