Maraming benepisyong makukuha ang isang tao sa pagkain ng luya na pinaniniwalaang nagmula sa Southeast Asia at isa sa pinaka healthy at pinaka masarap na pampalasa na ginagamit bilang pangsahog sa mga pagkain.
Ang luya ay isang “super food” na dati nang ginagamit bilang alternatibong paraan sa panggagamot na nakakatulong sa ating mga katawan lalo na sa mga sakit kabilang na ang diabetes, sore throat, dysmenorrhea, trangkaso, sipon at ubo.
Pampababa din ito ng cholesterol level, nakakababa ng timbang, blood insulin level, pampabawas ng osteo-arthritis, anti-cancer, morning sickness o pagkahilo at pampatalino.—sa panulat ni Angelica Doctolero