Ibinagsak presyo na ng mga magsasaka ang presyo ng kanilang inaning luya sa Cutar, Aritao, Nueva Vizcaya.
Nabatid na nasa P100 kada 5 kilo nalang o maglalaro sa P20 ang presyo sa kada kilo ng luya para lamang maubos at hindi mabulok.
Ayon sa mga magsasaka sa nabanggit na lugar, mas pipiliin nalang nilang ibagsak-presyo ang kanilang inaning luya kaysa masayang at tuluyang hindi mapakinabangan ang kanilang pinagpaguran.
Sinabi pa ng mga magsasaka na ang isa pa sa mga dahilan kung bakit nila ibinagsak presyo ang halaga ng mga luya ay dahil nagkasabay-sabay ang pag-aani ng mga kapwa nila magsasaka sa bayan ng kasibu kaya’t dumami ang produksiyon nito.
Dahil dito, maraming netizen ang naawa at nanawagan na suportahan ang mga magsasaka at bilhin nalang umano ng mga mall at supermarkets ang sobrang ani na luya ng mga magsasaka sa nasabing lugar.
Samantala, umaasa naman ang mga magsasaka na matutulungan sila ng Department of Agriculture (DA) na masolusyonan ang sobrang ani ng mga luya sa kanilang lugar.