Asahan na ang buong araw na pag ulan sa buong Luzon at Western Visayas dahil sa Low Pressure Area at Habagat.
Ipinabatid ng PAGASA na malapit na sa kalupaan ang nasabing bagyo kayat maliit na ang tsansang lumakas pa ito.
Patuloy ding pag iibayuhin ng LPA ang Habagat na magdadala ng malakas na pag ulan sa Luzon at Western Visayas kayat pinapayuhan ang mga residente kontra flashfloods at landslides.
Mararanasan naman sa Central at Eastern Visayas ang isolated rain showers o thunderstorms lalo na sa hapon at gabi.
Ayon sa PAGASA isang sama ng panahon ang posibleng mamuo sa paligid ng PAR o Philippine Area of Responsibility hanggang sa katapusan ng buwan at tig iisang bagyo pa ang dapat asahan sa susunod na buwan, sa Nobyembre at Disyembre.
SMW: RPE