Muling inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red at yellow alert ang buong Luzon grid ngayong araw.
Ito’y dahil pa rin sa manipis na reserba ng kuryente bunsod ng mga hindi inaasahang pag-shutdown ng mga planta.
Itinaas kaninang alas-otso ng umaga hanggang alas-diyes ng umaga ang yellow alert sa naturang bahagi.
Mula naman kaninang alas-diyes ng umaga hanggang mamayang alas-kuwatro ng hapon ay itinaas sa red alert ang Luzon grid at muling ilalagay sa yellow alert mamayang alas-kwatro ng hapon hanggang alas-nuebe mamayang gabi.
Samantala, una na ring sinabi ng Meralco na magpapatuloy ang rotational brownout na kanilang ipinatupad mula kahapon dahil sa red alert.