Isinailalim muli sa yellow at red alert ang Luzon grid ngayong maghapon dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), epektibo ang yellow alert alas-9 hanggang alas-10 ng umaga at alas-4 ng hapon hanggang mamayang alas-10 ng gabi.
Nakataas naman ang red alert alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Ipinabatid ng NGCP na mayroong available capacity ng kuryente ngayong araw na 10, 576megawatts habang aaboto din sa 10,536megawatts ang peak demand.
Dahil ditto ay pinaghahanda na ang mga residente sa Luzon sa posibleng rotational browout lalo na sa mga oras na nakataas ang red alert.