Nasa ilalim ng yellow alert ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
Ayon sa NGCP o National Grid Corporation of the Philippines, epektibo ang yellow alert mula alas 10:00 ngayong umaga hanggang alas 4:00 mamayang hapon.
Nasa halos 12,000 megawatts ang available capacity samantalang ang inaasahang peak demand ay nasa halos 11,000 megawatts.