Naglabas ng alert warning ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon Grid ngayong araw bunsod ng manipis na suplay ng kuryente.
Inilagay ng NGCP sa yellow alert status ang Luzon Grid simula kaninang alas-9:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon.
Dakong ala-1:00 naman ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon ay isinailalim ito sa red alert.
Muli namang iiral ang yellow alert ngayong alas-4:00 ng hapon hanggang mamayang alas-9:00 ng gabi.
Ayon sa NGCP, nawalan ng 3,627 megawatts ang grid dahil pitong planta ang naka-forced outage habang tatlong iba pa ang nasa mababang kapasidad.
Sinabi ng NGCP na ang available capacity ay tinatayang nasa 10,727 megawatts, habang ang peak demand ay 10,585 megawatts.