Isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid sa loob ng ilang oras ngayong Huwebes, ika-16 ng Enero.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), epektibo ang yellow alert mula alas-10 hanggang alas-11 ng umaga, ala-1 hanggang alas-4 ng hapon at mula alas-5:01 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Sinabi ng NGCP na manipis ang reserbang kuryente dahil sa nagkaproblemang power plants kaya’t hindi kakayaning masuplayan ang dapat suplayan ng kailangang kuryente.