Isinailalim ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa yellow alert status nitong Lunes ng umaga.
Sa isang abiso, sinabi ng NGCP na kanilang isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid mula kaninang alas-11 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon, at mula alas-4 ng kwatro ng hapon hanggang mamayang alas-5 ng hapon.
Mababatid na ang yellow alert ay nangangahulugang may manipis na reserves na lang ang grid batay sa suplay at demand nito.
Isinailalim naman sa red alert ang Luzon grid mula alas-2 ng hapon hanggang nitong alas-4 ng hapon na ibig sabihin ay may zero ancillary services o generation deficiency.