Posibleng makaranas ng brownout ang ilang lugar sa Luzon ngayong araw.
Ito ay matapos isailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow at red alert ang Luzon grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.
Kaninang alas-10 ng umaga sinimulan ang pagsailalim ng Luzon grid sa yellow alert na magtatagal hanggang alas-5 ng hapon, at ibabalik alas-6 hanggang alas-9 ng gabi.
Ang red alert naman ay ipatutupad mamayang alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.
Batay sa NGCP, ang yellow alert ay nagpapahiwatig na ang grid ay may manipis na reserba ng kuryente batay sa supply at demand habang ang red alert status ay nangangahulugan na walang mababang serbisyo o nagkaroon ng generation deficiency.