Inilagay sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang Luzon grid.
Ito’y dahil sa nakitang butas sa isa sa mga tubo ng Malampaya gas facility kamakalawa na siyang dahilan ng pagnipis ng suplay ng kuryente.
Dahil dito, namemeligrong mawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng bansa mula ngayon hanggang sa mga susunod na araw.
Hindi pa masabi ng NGCP kung hanggang kailan ang mga mararanasang brownout ngunit tiniyak nitong tuluy-tuloy naman ang pagsasaayos sa technical glitches.
By Jaymark Dagala