Muling isasailalim sa yellow alert status ang Luzon Grid mula alas-2:00 hanggang alas-4:00 ngayong hapon.
Ayon sa advisory ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines, masyadong manipis ang reserbang kuryente para sa Luzon Grid dahil sa pagbagsak ng ilang planta ng kuryente.
Ang peak demand anila ay aabot sa 9,370 megawatts samantalang ang kapasidad lamang ng mga planta ay nasa 10,208 megawatts o reserbang aabot lang sa 838 megawatts.
Pinapayuhan ang mga nasasakupan ng Luzon Grid na magtipid sa kuryente upang maiwasan ang pagpapatupad ng brownout.
By Len Aguirre