Isinailalim muli sa yellow alert ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon grid.
Ayon sa NGCP ito ay dahil sa nararanasang manipis na reserba ng kuryente sa buong Luzon bunsod ng hindi inaasahang shutdown sa ilang power plants at bunsod na rin ng mataas na demand sa kuryente.
Nakasailailm sa yellow alert ang Luzon grid mula alas – 11:00 kaninang umaga hanggang alas – 12:00 ngayong tanghali at mamayang alas – 2:00 hanggang alas – 3:00 ng hapon.
Sa ngayon sinabi ng NGCP na mayroong 10,473 megawatts na available capacity sa Luzon.