Muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
Epektibo ang yellow alert, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), alas-10 ng umaga hanggang mamayang alas-2 ng hapon.
Ipinabatid ng NGCP na nasa halos 12,000megawatts ang available capacity sa Luzon samantalang nasa halos 11,000megawatts ang peak demand.
Wala namang inaasahang brown out sa pag-iral ng yellow alert sa mga nasabing oras.
Nananatili naman ang payo ng NGCP sa mga residente ng Luzon na magtipid sa paggamit ng kuryente lalo na sa kasagsagan ng pag-iral ng yellow alert.