Nananatiling nasa yellow alert ang Luzon grid ngayong araw na ito dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), epektibo ang yellow alert alas-9 hanggang alas-10 ng umaga, alas-11 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon, alas-3 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon at alas-6 ng gabi hanggang mamayang alas-9 ng gabi.
Ipinabatid ng NGCP na nasa 11,402megawatts ang available capacity at ang peak demand ay nasa 11,114megawatts.
Samantala, epektibo naman ang red alert alas-10 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga at ala-1 ng hapon hanggang alas-3 ng hapon.
Inihayag ng NGCP na inaasahan nitong magbabalik sa normal ang power situation sa Luzon sa buwan ng Setyembre kung kailan gagana na ang hydroelectric power plants.