Muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid ngayong araw dahil sa manipis pa ring reserba ng kuryente.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), iiral ang yellow alert mula alas-nuebe kaninang umaga hanggang alas-kwatro ng hapon.
Ayon sa NGCP, meron lamang 11,288 megawatts available capacity habang nasa 10,842 megawatts naman ang peak demand.
Gayunman, wala namang inaasahang brownout bunsod ng yellow alert status.