Muling inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ngayong araw ang Luzon grid.
Batay sa abiso ng NGCP, nagsimula ang yellow alert kaninang 9 ng umaga at magtatagal naman ito hanggang 4 mamayang hapon.
Batay sa outlook o pagtaya ng NGCP, aabot sa mahigit 11,200megawatts ang available capacity ng Luzon grid .
Habang aabot naman sa mahigit 10,600megawatts ang peak demand ng kuryente.